Monday, January 05, 2009

PINAY GOES TO WASHINGTON at ang mgaKAtaka-takang Pangyayari

Dear insansapinas,
Isinulat ko na ito sa Now What, Cat ko pero ang di ko isinulat ay ang nakita ko sa kanto ng kalye kung saan papunta kami sa direksyon ng Capitol. Pagtingin ko sa may sidewalk nang huminto kami dahil sa traffic, nakita ko si KAMATAYAN. Hindi ako nagbibiro. Nakaitim siya at tila naghihintay. Kinilabutan ako. Maliit lang siya at nakaupo sa mga lalagyan ng mga diyaryo.

Pagtingin ko ulit, wala na siya. Inisip ko kung anong ibig sabihin nito. Ito ba ay babala ng assassination?

Sana naman ay hindi.

Ito ang mga retrato sa Washington DC. Hindi kami nakalapit sa Capitol. Ilan beses kung niretrato ang Washington Monument. Dalawa lang lumabas, ang isa ay ang aking grill na hindi ko naman niretrato psgkatapos na retratuhin ko ang monument.

Washington monument and the tree

Washington Monument sa likod ng punong walang dahon.
Washington Monument and the sun

Washington Monument at ang Araw.



George Foreman Grill

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment