Wednesday, December 24, 2008

Walis tingting Christmas tree and the Christmas trees of my youth


Dear insansapinas,

Ito decoration galing sa walis tingting. Lagyan mo lang ito ng bells, stars, Christmas lights at iba pang decoration, maganda ng Christmas tree di ba?

Ako naman either pinipinturahan ko ng silver o puti tapos lalagyan ko ng mga beads, christmas balls at old Christmas cards. Pagkatapos ng Pasko, may walis kaming puti ang kulay. hehehe

Naalala pa ninyo yong Christmas tree na gawa sa sabon. Hindi yong bula. Sira.

Yong bara ng sabong may tatak na Wheel o Perla na pinagtapyas tapyas para bumuo ng cube.Tapos tinusok ng toothpick at saka sinalansan para bumuo ng christmas tree.

Pagkatapos ng Pasko, magagamit panlaba.

Ang paborito naman noon sa isang opisina ay yong gawa sa Chicken wire. Bawa't butas ay nilalagyan namin ng Japanese paper na nagmumukhang bulaklak. Tapos sinasabitan nami ng iba'tibang color ng Christmas balls. Ganda.

Syempre maganda yong Christmas tree na galing sa tuyong branch ng puno na binenbena nila sa Roxas Boulevard.Ang mahal bago magPasko. Pag isa o dalawang araw na lang,kalahati na lang ang presyo.

Kayo ano ang paborito ninyong Christmas tree?

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. hahaha naalala ko tuloy e yang walis tingting na xmas tree yan ang project namin nung elementary pa kami babalutan ng papel de hapon at sasabitan nung bolang plastic na binalutan naman ng straw at tinusukan ng aspili na my beads oh di o dimo ba inabot yun?hahaha
    ala akong paboritong xmas tree e naiinggit nga kami dun sa meron kasi lumaki kaming walang paniwala sa pasko at pati sa sta clause infact pinaniwala kaming hindi winter pinanganak si Jesus kundi summer hahaha.

    ReplyDelete
  2. inabot ko yon, kaya lang di ko maalala.

    ang alam kong project namin noon yong chidken wire.

    ReplyDelete