Monday, December 22, 2008

Mano Po Ninong, Ninang Namamasko po


Dear insansapinas,

Siguro naman may mga ninong at ninang kayo at siguro naman, dinalaw ninyo siya ng Pasko.

Ako noon hindi ko na kinagisnan ang ninong ko. Nangibang bayan na sila.

Pero ako maraming inaanak. Hindi ako umaalis ng bahay para hintayin ang pagdating nila.

Meron akong kaibigan na tatlong anak niya isa ako palagi sa ninang. Magaling kasi akong magbigay ng Pamasko? Hindi closest friend ko sya kasi.

Nang lumaki na sila, ayaw na nila ng laruan. Gusto nila pera. Yon pala, paramihan sila ng napamaskuhan. Kaya sinasampal ko na lang sila ng envelop.

Mas magastos nga lang kasi kung laruan pwede mo pang itago ang halaga. Pag pera talagang alam nila kung magkano. *heh*

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment