Dear insansapinas,
Hindi ako sumama sa aking kapatid pagpunta sa isang Thanksgiving Lunch ng mga Pinoy.
Sabi ko balot na lang. hehehe Tamad kong lumabas.
Dumating nga may balot. Akala ko Pinoy Foods. Yon pala galing sa Bostom Market. Binili lang. Hiyang magbalot to go.
Ito ang turkey. Huwag hanapin ang malaki. Naubos ko ang green beans pero isang hiwa lang ng turkey ang aking kinain. Mahabang recycling na naman ang mangyayari.
Ito naman ang salad. Akala ko tinimpla ng kapatid ko. Kaya sabi ko sa kaniya. Timpla siya ulit. Ibinigay sa akin ang isang packk ng salad. Binuksan ko. Dyaran. Nandoon na lahat. Ang dressing at ang mga burloloy. Naging salas chef bigla ako.
Ito naman ang cole slaw salad. Paborito ko, pero ayaw ko ang lasa. KFC coleslaw talaga ako. Matagal na naman itong maninirahan sa aming fridge.
Ito ang sweet potato pie aka KAMOTE PIE. Kaya pala noong pumunta ako sa library, medyo nagrarumble ang aking tiyan at parang gustong maglabas ng masamang amoy. Yuck.
Pinaysaamerika
hahaha, maniniwala kaba kung sabihin ko sayong bawal na bawal ako kumain ng kamote? oo kasi kakabagan ako at poooooooooot dadagdag pako sa polusyon hahaha so wag nalang kumain para ma save ang earth.
ReplyDeleteako rin may sakit na ganiyan pero matigas ang ulo. matatawa ka noong naglalakad ako papuntang library, oara akong live band, buti na lang walang nakasuod. hahaha
ReplyDeletehahaha
ReplyDelete