Monday, November 17, 2008

The Medical Assistant

Dear insansapinas,


Special appointment ko sa doctor. Hindi dahil Wapu siya. Hindi niya ako chineck-up. Meron lang akong kinunsulta.

Medyo, masungit siya ngayon, kasi ilang pages ba naman niyang sinagutan niya...parang survey na hindi survey. Kahit ako tamad magsasagot noon pero kailangan eh.

Bago yong medical assistant. Kinunan niya ako ng blood pressure. Whoaaaa, muntik nang
hindi makahinga ang aking braso sa higpit ng "Cuff" . Pag ganoon yon, alam ko mataas ang blood pressure ko, hindi kaya ng mga maliliit na sphygmomanometer.

Tinanong ako kung may high blood ako. Sabi ko naman oo Noh...habang hinihimas ko ang aking brasong mangitim-ngitim.

Bakit, tanong ko. Mataas ba? Sabi niya hindi naman. 120/98.One hundred twenty nga ang systolic pero ang aking diastolic ay 98. Ang normal ay 75. Mababa ba yon?

Iling sa kaliwa, iling sa kanan.

Sabi ng doctor, pabibigyan daw niya ako ng flu vaccine. Yoko nga. MAgkakaroon na naman ako ng flu. Kaya di ko na hinintay ang tawag ng nurse, bumaba na ako at hinintay ang aking "ride".

Thai ang drivber, akala ko Filipino. Hindi niya alam ang direksiyon. Hindi ako marunong magbigay ng direksiyon. Sabi ko malapit sa mall. Naalala ko nga pala , maraming mall kaming dinadaanan.

Arghh.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment