Dear insansapinas,
Kita mo yang nakakabit da puno. Yan ay urin ng kabute oe mushroom. kaya lang di nakakain.
Nireretrato ko yong squirrel, nagtago sa likod ng puno kaya yan ang napikyuran ko.
Naalala ko tuloy yong mga kabuteng kinakalap namin pagkatapos ng ulan. ang daming naglalabasan. Kaya nga may salitang...parang kabuteng naglabasan... ibig sabihin, marami at hindi alam kung saan nanggaling.
itong nasa retrato, yan ang sinasabi naming waiting shed ng mga duwende samantalang ang mga kabute na hugis payong ay kanilang ginagamit para sa ulan. katulad ng nasa ibaba.
No comments:
Post a Comment