Friday, April 06, 2007

Good Friday-Pinay Goes in Meditative Mode

Dear insansapinas,

Sandali insan, iwanan ko muna yong aking Robert de Niro at iba pa ekek kasi Good Friday ngayon at gusto kong maging good.

Dati-rati, hindi ako kumakain pag Friday mula umaga, hanggang alas tres. Wala lang. Hindi dahil relihiyosa ako kung hindi ito ang araw ng pagrecharge ng aking " I can see dead people power". Mana ko sa aking daddy na may power din na sarili niya.

Mula nang nagtrabaho ako dito sa Estet, na walang Good Friday, ito ang araw na hinihingi ko ang bakasyon. PAg hindi nila ako pinayagan, ginagawa ko silang palaka. Ahekk.

Wala ring nakakausap sa akin. Kaya pag tumawag ka at hindi ako sumagot, ibig sabihin noon, talagang ayaw lang kitang sagutin. Isang araw lang sa isang taon ako nag-iisip nang matimtiman, iistorbohin mo pa. :)

Dati-rati, ito ang araw na ipinapakita sa TV ang Ten Commandments o kaya ang Greatest Story Ever Told.

Walang pinapakita na niyan dito. Siguro walang nanonood.

PAlabas ngayon, Sound of Music pero inaantok na ako. Wala pa yong mga paborito kong Monk at Psychic na usually pinalalabas pag Friday kaya maaga pa lang ay natulog na ako. Bait ko.



Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

1. My First Christmas

,,,
,,,

No comments:

Post a Comment