Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 12 Karugtong ng kabanata:
Dear InsansaPinas,
Ito na ang karugtong pinsan. Pasensiya ka na at maraming mga nangyari sa buhay ko kaya pinagpahinga ko muna ang aking utak sa mga malulungkot na kuwento. Hikbi.Pero hindi ako ang bida sa istoryang ito. Ang bida ay ang aking kaibigan na nasa San Francisco. Malamig dito sa Washington DC kaya hayaan mong ikwento saiyo habang binabanatan ko itong popsicle without sugar.
Maagang pumunta si Rick sa bahay ni Auria para kausapin na ito tungkol sa balak nila.
Himala, wala ang mga asungot. Tahimik ang paligid. Pinapasok siya ng nanay ni Auria at sinabing maghintay siya’t tatawagin niya. Ang sandaling yon ay umabot ng oras. Hindi lumalabas si Auria. Inamoy niya ang sarili niya.Naligo naman siya .( Erase erase. Hindi pala kasama yon).
Lumabas si Auria na mugto ang mata. (Tiyak umiyak di ba insan?) Umiyak nga.
Umiiyak pa rin ito nang sabihin sa kaniyang kalimutan na siya ni Rick. (O div a, shocking yon?).
Nakipagkita pala ito sa dati niyang boyfriend para magpaalam. Pero, natukso silang dalawa at ayun di may nangyari sa kanila. Huwag na akong tanungin. Basta yon na.
Ang problema, nahuli sila ng asawa ng kaniyang ex-boyfriend. Pagbaba niya ay sinabunutan siya, kinaladkad at saka pinagsampal-sampal sa kalsada. Mang-aagaw ng asawa. Yon ang sigaw ha. Aba’y kahiya naman talaga. Kahit ako, kung ako ay asin, tunaw kaagad ako doon kahit hindi ako binubuhusan ng tubig.
Nashock si Rick. Yon palang lagay na yon, hindi pa rin nito nakakalimutan ang boyfriend.
Gusto rin niyang sampalin kaya lang lalong mamaga ang mukha nito.
Tumayo siya at walang lingon-likod na umalis.
Sandali insan, tunaw na ang popsicle. Itutuloy.
Ang iyong pinsan,
San Francisco,Los Angeles,Washington DCbalikbayan,pinoy,pinay
Just dropping by and checking out the Pinoy blogosphere! :)
ReplyDelete