Monday, November 06, 2006

Love: a temporary insanity, curable by marriage-Pinay Love Story 2...

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Karugtong ng kabanata:

Dear InsansaPinas,

Hanep sa bilis ang dating ni Mona sa opisina. Wala pang isang oras ay nasa tapat na ng desk ni Rick. Ano kaya ang sinakyan nito, walis tingting?

Narinig ng aking taingang lumalapad pag gustong makarinig ng balita na inimbita siya ni Rick sa tanghalian. Uhmmm, himala ng mga himala. Parang gusto kong magtirik ng kandilang pink na may samyomg "Love is in the Air".

Paano na yong gerl pren sa pinas na pakakasalan kuno. Ayaw ko ito. Hindi ako updated sa balita. Nawawala ang aking pagka BBC (hindi BBC news kung hindi, Balitaan ng mga Balitang Controversial at ang aking pagka CNN (hindi CNN News) kung hindi Chismosang Number Nine, (bakit number nine kanyo, eh meron naman pang The Buzz, Cristy Fermin, etc). Sa number nine na lang ako, paborito ko kasing number.

Lintek pa yong auditor galing sa Hong Kong. Kinukulit ako kaya di ako makatayo para maharap itong si Rick. Sayang na walang ang pinagsamahan naming mga usapang lalaki ehek, lalaki sa babae at babae sa lalaki.

Pag alas dose, tumayo sila at lumabas. Tiningnan lang ako ni Rick para hudyat na siya ay lalabas.Tumango naman ako. May oras ka rin sa isip ko, habang kandahirap akong esplika sa auditor yong mga hindi niya maintindihan. Bobo. ekkk

Nagtatawanan pa sila nang bumalik. Parang kinurot ang puso ko. Hindi sa nagseselos ako LOKAH. Nagseselos nga ako dahil hindi na yata ako ang kaniyang Lady Confessor. Alam naman ninyo may LYS ako (Lovingly Yours Syndrome, ineng at ato) at mayroon din akong MMKF (Maalala Mo Kaya Fever).

Ah kesehoda. Buti matatahimik ako kahit sa hatinggabi na tumatawag siya para lang magkonsulta pag may problema sa pag-ibig. Ang hilig ko kasing makialam baga. PQ ako. Pakialamera Queen.

Nagbabye sa akin si Mona. Hindi niya ako nilapitan dahil nakita niyang nakadikit sa akin yong Singkit na auditor.Ayaw ko rin siyang kausapin. Ayaw ko ring kausapin si Rick.

Masama ang loob ko kasi nauna pa niya sigurong naikuwento kay Mona yong nangyari kaysa sa akin. Heh.

Lintek na utak ito. Bakit ko ba sila papansinin.

Pagdaan ko papunta sa ladies room, hindi ko sinulyapan ang desk ni Rick. Nakatingin din siya sa akin. Alam ko. Ah loko, sisimulan niya ako. Tatapusin ko.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika

,,,

No comments:

Post a Comment