Monday, August 08, 2005

Si Pinay at si Mrs. R

(pagbabalik-gunita)

Maputi siya at balingkinitan ang katawan.

"Joys? eheste juice." alok ko.
"Are they going to be late? iwas niyng tanong.
Haay mamah, inenglish niya ako. Sandali, tingnan ko kung marami pa akong natirang
English sa aking bulsa.Hmm 2
Katulad ng isang may dugong pinoy na nanalaytay, ibig kong simulang ang aking
sagot ng AKhsually pero simpleng: Am sorry, i got no idea, would you care for tea or coffee?

"No thank you." siya naman ang matipid sa sagot.
Sinagot niya ang nasa isip ko kung paano siya nakarating sa aming lugar.

Tinawagan daw niya ang kapatid ni R(boypren ni kabalay) at hinanap dahil matagal nang walang communication. Nasa New Jersey siya nagtatrabaho, one year after makasal siya kay boypren ni kabalay.

Bakit naman hiwalay sila? Eh ano kung maurirat ako. Gusto ko lang malaman noh?

Hindi raw niya alam na marami raw bisyo si R. Ang bait daw nito noong nililigawan siya sa Pinas. Nakilala niya itong balikbayan at sinundan-sundan na siya, hanggang ipetition siya as fiancee visa. Titser pala siya sa kanilang probins.
Wala raw itong imik at hindi umiinom.Siguro ng hindi imported beer or wine. Drinking 6 Pack

Nang dumating daw siya rito sa US, ilang Linggo lang matino si R. Halos maloka siya
sa pag-iisa, depression na wala siyang trabaho at umaasa lang sa bigay ni R. Nakikisama siya sa nanay nito na masyadong inispoil ang anak.

May mga gabi raw na wala siyang kasama dahil hindi ito umuuwi.

Hanggang minsan isang gabi raw siyang nakatulog na umiiyak, nagising siyang may
nagtatawanan sa sala.

Lumabas siya na hindi binubuksan ang ilaw. Ang kaniyang asawa ay isang babae, magkatabi sa mahabang couch. (siguro nama hindi ko kailangang sabihin na hindi sila naglalaro ng bahay-bahayan ano?)
Bago ako nakapagtanong kung ano ang ginawa niya, malakas ang buzzer na narinig namin.

Killjoy talaga ito. Lumakad ako patungo sa pinto upang idiin ang switch na magbubukas ng main gate. Habang ako ay naglalakad, idinaan ko an aking mukha sa kurtina. Disamuladong pinahid ko ang luhang malapit ng pumatak. Lintek kasing mga kuwento ito ng buhay. Parang nobela.

Naunang pumasok si Kabalay. Tumingin siya sa aming panauhin. Ngumiti. Hindi niya kilala. Oras na para sila magkakilala.

Sumunod ang boypren. Nang makita niya ang babae, sinugod niya ito at inambaang bubuntalin. Sumigaw ko ng malakas.

HOY Kung magpapapatayan, huwag sa pamamahay ko. MARURUMIHAN ANG AKING CARPET. TSEE

Biglang napa-about face si kabalay. Tinitigan niya si boypren, tapos ang babae.

ITUTULOY. oh makapagmeryenda na nga. hehehe

Pinaysaamerika

1 comment:

  1. anak ng teteng naman talaga o!!!@#$%

    sino ba talaga nagpasimula nyang mga itutuloy na yan ha?

    pati yung istorya ng school supplies, ala pa rin! tseeee!!!

    ReplyDelete