Dear insansapinas,
(pagbabalik-gunita)
Nagkakilala sila sa fastfood na pinagtatrabahuhan nila. Sa management siya at ang lalaki ay sa food crew. Talaga yatang pinipili nila ang mga pogi sa fastfood na iyon. Attraction din sila sa goirls.
May alam akong babae, laman ng fastfood araw-araw. Kulang na lang ang magkaroon siya ng pakpak at ng palong sa kakain niya ng fried chicken. Makita lang ang kaniyang crush na crew. Ahahay.
Siyempreee may kontrabida sa mga love stories. Ang kaniyang mader.
"Anong ipapakain saiyo ng lalaking yan?" nagpupuyos daw niyang tanong. Hindi exactly yon ang dialogue kasi siyempree wala ako doon noh. Pero ganon na rin yon. Ang mga poorboy-rich girl love affair.
Di raw siya sumagot. Ay mamah kung ako nandoon, sasagutin ko siya." Ano pa di friend chicken at french fries." Ahahahahaha
Nakisabat din daw ang boypren ng mader niya. Bayuda kasi.
"Nagmamalasakit lang naman ang mommy mo. Para sa kapakanan mo."
Doon siya nagsalita at bumunghalit.
" Hey, you don't make pakialam to my life. You're not my pop and you will never be
one." And don't you lecture me. you are not my teacher." Mataray nga tyang.
"So inis ko talaga na gusto ko siyang hampas-hampasin ng bag kong Coach , noh.
So kadiri niya. I like to give him my hair trimmer para ahitin niya ang "mustas" niya," kuwento niya sa akin noong kami ay nagkaututang dila na.
Naging mas mahigpit ang ermatz niya. Kaya pinagresign siya.
Payag siya pero sa kundisyon, ibebreak din niya ang boypren nito. Exchange deal.
Mother and daughter both in love, both in warpath.
Hokey sabi ng kaniyang mader kaya, bigay siya ng resignation letter kinabukasan.
Ayaw ng management. Pag-isipan muna raw sa loob ng 30 araw ng effectivity ng kaniyang
resignation.
Hige.
Ang cellular phone noon ay napakamahal pa at malaki na para bang dala mo ang isang cordless sa iyong bag. Hindi pa kasama ang charger noon na mas mabigat sa phone.
Mahal din ang charge per minute.
Ang tawagan ay public phone kung ayaw marinig sa bahay ang usapan.
Tinawagan niya ang kaniyang boypren. Magkita sila sa mall. Wala ang kaniyang mommy.
By the time, umuwi yon, nasa bahay niya.
Okay.
Katapat ng restaurant na pinasukan nila ay sine. Niyayaya siya ng boypreng manood.
Tumanggi siya. Kailangang makabalik siya sa bahay bago dumating ang mommy niya na nagpaalam na may prayer meeting daw pupuntahan.
Masaya siya. Naiisip niya tuloy kung paano niya sasabihin na mag-cool off muna sila habang di pa niya naiisip kung paano ang gagawin.
May dumaang babae. Hindi niya tiningnan. Pero bumalik ito. Nakilala siya. (pustahan ang isip ninyo mother niya, ano. Beh)
"Hi, kumusta na. muwahmuwahmuwah." Mga halik na hindi dumadampi.
Kaklase niya ng high school. Pinauupo niya ayaw.
"You know me naman. My mom drives for me. She's waiting nga sa parking.
Talking about moms, isn't it it's your mom." turo niya sa babaeng nakaabresiyete sa isang lalaki palabas sinehan.
Ahahay buking...itutuloy...sa pagbabalik ni Dar...eheste pinay.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment