Tuesday, August 23, 2005

Si Pinay at ang "Traidor ano ang pangalan mo, anoh, anoh" part 4

Dear insansapinas,



Sa mga sumunod na araw ay para siyang zombie. Para siyang kangkong na hindi nabili sa palengke. Para siyang isdang naiwan ng mangingisda at nahulog sa dalampasigan (wala bang background music?) para siyang ibong natirador at bali ang pakpak na kumakampay-kampay.
Birdie


Halos di niya nakita ang kanyang boypren. Abala ito sa pag-ayos ng papeles at mga dadalahin sa pag-alis.

Ang kaniyang mommy naman ay abala rin sa pag-ayos ng kanyang kasal. Hindi na niya halos makita sa bahay. Buti pa ang gagamba, nasa bahay lang niya.

Pag-uwian, dumadaan siya sa simbahan ng St. Jude. Nanalangin siya nang himala. HIMALA.
Pero sa sine lang siguro yon sa isip niya.

Paglabas niya ay nasalubong niya ang kaniyang dating kaklase.

"Hi, anoh how's everything na." tanong niya pagkatapos nang kanilang muah, muah.

"Haay darleeng, so excited talaga na kilig to the bones ako." sagot ng landi niyang kaibigan.

"Malapit na akong magjoin ng exodus". palakpak siya habang nagsasalita.

"haaaa, you make kuwento naman. Huwag mo akong suspense at may i sampal kaya kita."

"Park muna tayo dito sa walang pipol." sabay ang hila sa kanya.

"Kasi this tita of mine made kilala with a recruiter sa US of EY. So galing niya na in less than a year, may I fly na ako sa States and there may I pasok niya ako sa office. So excited talaga ako. Working girl ako bigla sa LA."

"Hoy, don't make bola-bola noh.
Eh kung fake yan. Tubog sa ginto kung bagah."labi ko,sabay igkas ng kilay.

"Excuse meh. She is a distant relative ko noh. She won't make loko-loko to a niece."
Di lalo namang mataray siya. Paspas ang paypay ng fan niya at may kasama pang irap.

"O sigeh na nga. Sige like ko ring mag exodus." alo ko.

"Oy so gabi na. Got to run. See yah. Usap tayo."

Ang kangkong ay nadiligan ng tubig. Ahaa muli siyang mananariwa. Bakit ba siya
magpapatalo. Hindi noh. I will make not awa to myself. Promise yan.

Pagdating niya sa bahay, may tawag siya. Si Boypren. Kung puwede raw magkita sila.
Hindi na siya ngayong isdang naiwanan. Nadampot na ulit siya. Kumawakawagkawag pa.
Para siyang ibon na lilipad ulit kagaya ni Darna. ehe.
Hige. Nagkasundo silang magkita sa isang coffee shop. Mainit pa ang kape.

Kaya titigan mo na.
"May sasabihin ako saiyo."pauntol na salita ng boypren.

Sa isip niya sana ay sabihing nagbago ang isip niya. Sana ay sabihing, magtanan na sila. Sana ay...sana ay...

"Kailangan ko pa ng pera. Kulang ang pinahiram sa akin ng aking ate."

Tuluyan nang nagkalasog-lasog ang kangkong. Ang isda ay hindi ibinalik sa dagat. Ang ibon ay tuluyan nang nahulog.
Hindi siya nakaimik. Gusto niyang kumanta...Victoria is not going to dance tonight. (sandali mali yata yon, galit na kakanta pa. ano ito opera.)

Itutuloy...i make tusok tusok fish ball muna.

Pinaysaamerika

1 comment:

  1. hay nakow acheng, noh? laters na yang tusok-tusok the fish ball-balls noh?? tell us na.... daliiiii!!!!

    ReplyDelete