Thursday, March 31, 2005

Si Pinay at si James Bond

Dear insansapinas,

Naglipana ang tukso, sa bahay si French, sa trabaho ay ang anak ng aking boss.

May nakasabay ako sa elevator. Kaya lang hindi ko magagawa ang mga suggestions ni Ringhithion.

May kasabay akong Puting lalaki. Tinitingnan ang aking kuwintas. Nasalubong ko ulit siya sa desk ng receptionist. Nagpipirma siya sa visitors’log. Kinakausap ko yong babae sa counter.Sabi ni Puti: Your voice is familiar. I think I know you.
Tumaas ang isa kong kilay. Sa isip Ko ta….na narinig ko na yan. Pero familiar din ang kaniyang boses.

Sabi ni Puti: Hi the name is Bond. James Bond.

Sabi ko naman: Hi, I am Moneypenny. Saka ngumiti ako ng labas ang buong ipen.
Sinundan niya ako. Pumasok ako sa kuwarto.Pumasok din siya.Tinamaan ng matsing, ako ba ang sinusundan nito?

Sabi niya sa boss ko: Hi Dad, I am here for the holidays.Sabi ni boss: Good for you.

By the way, have you met, the Ca t?Sabi niya:Ow, did not have a chance. Hi, I am Zorro.Inabot niya ang kamay ko at nakangisi rin siyang labas ang ipen. Nakakaloko ang anak ng pating. Kailangan ding iintroduce ko ang aking sarili.

Sabi ko naman: I am Darna.
OOPssy,mali.Ngumiti rin ako hanggang tenga.

Who's that? Is she among the Xmen? tanong niya.

Oh loko,sisimulan niya ako, di siya ang nabuwang.

Ang iyong pinsan,

Pinaysaamerika

Tuesday, March 29, 2005

Si Pinay at ang Gerl Pren

Dear insansapinas,

Niyaya ako ng kaibigan kong pumunta sa remittance company para makapagpadala siya ng 500 dollars. Ganyan siya magmahal sa boypren niya.Tinanong ko kung sigurado siya.Oo raw. Doon daw siya masaya.

Hige.
Sa isip ko, kung kaharap ko ang boypren niya, bibigyan ko siya ng left hook
AT RIGHT HOOK, TUTUHURIN KO SIYA SA BABA NG KANYANG SINTURERA AT PAGNAKALUGMOK NA SIYA AY SAKA KO ITATAPON ANG PERA SA KANIYANG MUKHA, sabay ang sabi ng...

Son..o...bit...F...k...you..f...k...

Sandali, hindi ako yong sumigaw na yon. Tumakbo ako sa labas kung saan nanggaling ang ingay.

Si French, pilit na sinasampal ng gerl pren habang hawak niya ang dalawang kamay ni babae. Bakit nasa kalsada ? Bakit nasa harap ng bahay?

Hinila ako ng aking kaibigan papasok sa bahay. Tumawag daw ang nanay ni Edong yong may-ari ng bahay at kaibigan ng gerl pren ni French.
Nagseselos daw si gerl pren.

"Saiyo ?" tanong ko sa ikaibigan ko.
"Saiyo," sagot naman ng kaibigan ko.
"Sa akin ? Bakit ? Hindi naman ako lumandi sa boypren niya.
Ito nga itong kain ng kain ng pizzang dala niya."

Kasi raw ,bukambibig ang pangalan mo kahit anong usapan.
Balak ka raw sugurin dito, sinaway ni French.

Biglang may kumatok sa pinto.

Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Pinabuksan ko sa kaibigan ko ang pinto. Hindi dahil takot ako.

Eh kung sabunutan ako. Magugusot ang aking buhok.
Eh kung sampalin ako. Magugulo ang aking make-up. hehehe.


Naku nanay ni Edong. Ang Boy Abunda sa kalyeng yon. Palagay ko may dala siyang exclusive report tungkol sa iskandalo sa ibaba.

Anak ng pating na nanganak ng daeng at nagkaroon ng apong tinapa. Purnada ang pagpapadala ng kaibigan ko.

May balak tumagal ang matanda. Sumalampak sa aming upuan.

Tatlong taon na raw na magkasintahan si French at ang Pinay. May bahay daw si Pinay pero ayaw makipag-live-in si French kaya umuupa kina Edong.

Pakakasal na nga raw ngayong taon na ito. Siniko ako ng aking kaibigan at inulit
ang ikakasal na raw.

Keber. Kung balak nila akong kuning flower girl, fully booked na ako..

Bakit ninyo kinukuwento sa amin ?

“Wala naman”, sagot ng matanda. “Off limits na si French.”

At nagpaalam na siya.

“Kainis” sabi ng aking kaibigan. Para siyang nakakababae. Nagpadala
pa ng emissary.” Sa totoo lang, aswangin mo nga.

Sabi ko," hindi dapat. Boypren niya si French, natural lang siyang
magselos. Kaya lang dapat huwag siyang mag-iskandalo. Dapat pinuntahan
niya ako at kinausap."
“Katuwaan lang ow, landian mo nga.” sabi ng kaibigan ko.

"Gagah.."lutong kong sagot. "Maghahanap ako ng sakit ng ulo
dahil sa challenge."

"Sige na nga. Lika na nga at makalabas. Pag nandiyan siya,
wa ko siya pansin." sabay hila sa kamay ko.

Kinabukasan may bulaklak sa paso sa may tapat ng pinto.
Galing kay French. Naghahanap talaga ng sakit ng ulo.

Sabi ni kaibigan. Dali, pakita natin doon sa matanda.

Sabi ko." Para kang si Cristy Fermin, ang hilig sa intriga."

Pinaysaamerika

Monday, March 28, 2005

Si Pinay at ang Voice Tape

Dear insansapinas,

(Ang mga salaysay po rito ay nakaraan at hindi ang aking
pangkasulukyan. Kung baga ay balik-tanaw na walang contact lens).


Wala kaming pasok pareho ng aking kaibigan kaya
tambay ako sa kaniyang kuwarto. Inabutan ko siyang nakikinig
ng voice tape. Galing sa kaniyang boy pren sa Pinas
Ang kaibigan ko ay diborsyada sa asawa niyang Puti na siyang
nagpetition sa kaniya papunta rito sa Estet. Natuklasan ng
Puti na nakikipag-communicate pa rin siya sa boypren niya
sa Pinas. Mabait si Puti at mabuting tao rin ang aking kaibigan.
Iba-iba nga lang ang kanilang minamahal. Parang kanta
ni Sharon, Mahal ko kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba.
Ayaw lang ni Puti na makitang kinukuwartahan ng boy pren
ang aking kaibigan na hindi ko pa kaibigan noon.
Ewan ko ang gulo talaga ng buhay.

Kadidibrosiyo lang nila nang kami ay magkakilala. Balikan sila
ng boypren sa Pinas. Sulat,telepono at voice tape. Pakinggan
natin.

Voice tape: Honey, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko.
at yan ay di magbabago.
Honey niya: Sarap pakinggan.
Ako: (Bulong lang ho) Sarap sapukin. Lokohin mo lelang mo. Ewan ko ba, sense
ko na bolero talaga yong boy pren na yon.
Voice tape: Lagi kitang naiisip. Wala akong magawa maghapon.
Honey niya: Ganiyan talaga yan. Sabi niya kaya raw hindi siya
nagtatrabaho dahil iniisip ako palagi.
Ako: (nangiti ako, at sa isip ko...talaga ? Tamad lang talaga.
Pagkatapos ng makalamuyot na mga bulaklak ng dila na
madalas sigurong madilig ng beer at alak, ito na ang pinakamaganda.

Voce tape:Siyanga pala mahal, kailangan ko ng five hundred dollars.
Nag-aaply ako pagkaseaman at kailangan ko ng pera.

Ako: Pagkahaba-haba man ng prusisyon uwian din pagkatapos...ehek...

Nalaman ko na lang na yong perang yon, ginamit sa kasal niya sa isang
OFW naman sa Saudi.

May susunod pa kung talagang tsismosa kayo.

Bewhehehe

Pinaysaamerika