Dear insansapinas,
Pinasasamahan ako ni bossing sa Social Security System para makakuha ng ID. Malayo-layo daw dahil kailangan namang magtren. Isang istasyon lang naman pero katumbas ng sampung bloke kung lalakarin.
Utang na loob, hindi pa ako nababaliw para maglakad sa aking bagong boots. Bukas na lang at magbabaon ako ng rubber shoes. Kagaya nang nakita ko sa Financial District na mga babaeng kuntodo mga nakaitim na
Business suit, itim na medias at mga blingbling pero ang suot ay mga rubber
Shoes. Walking shoes lang nila yon dahil pagdating sa opisina ay nagpapalit
sila ng may matataas na takong.
Hindi uso ang merienda dito. Hindi kagaya sa Pinas na panay ang meryenda
Ng mga tao, lalo na sa opisina ng gobyerno.
Tanghalian, wala si bossing. May appointment. Yong kasama naming intsik ay pumunta sa Chinatown. Bibili siya ng chow mien for a dollar. Nagpabili rin ang ibang mga kaopisina. Inilabas ko ang pinabaon sa akin ni Manang, yong housekeeper. Desperado siyang maubos yong adobo. Mamayang gabi kasi may bagong luto na naman siya. Adobo pa rin, pero manok naman. Inilabas na niya mula sa freezer.
Wala ang pusa, masaya ang mga daga. Ang dating tahimik na opisina ay napuno ng halakhakan. Tinatawanan nila ang mga katangahan ng bawa’t isa nang bagong salta rin sila. Parang pangwelcome nila sa akin.
Yong isa nagkuwento na noong unang makita niyang tumataas ang pinto ng
garahe, akala niya may nakatagong taong gumagawa noon. Hmmmmm, ito siguro ang sagot sa nawawalang boy sa bahay ni Bossing.
“Wala kayo sa akin” sabad ni Robert, isang architect. Kumukuha siya ng CAD bago kumuha ng eksam habang nagpapart-time sa opit.
“Ako noong bagong salta ako, akala ko ang bait ng kapitbahay ko na tuwing tatapat ako sa may pinto nila, sinisindihan nila ang ilaw. Yon pala sensor light yon. HAHAHAHAHA...”
“Ako naman”, sabi ni Roxie. Siya ang in charge sa recruitment.
“Noong una ako rito, palagi akong may dalang payong kasi sa pinaggalingan ko, minsan umuulan, pagdating ko naman dito ay mataas ang araw. Sabi sa akin noong Puting babae, where’s the rain?”.
Si Alex ay hmuhagalpak na ng tawa kahit hindi pa nakakapagsalita.
Engineer naman siya at siya ang in-charge sa aming system.
Naghahanap rin siya nang mapapangasawa. Bungisngis pa.
“Ako, habang nasa public phone , kinatukan ng isang mama. Tinanong niya ako kung ako si Don.Umiling ako. Tinanong niya ako ulit .Emergency lang daw kasi. O linsiyak, eh ano ngayon. Di hanapin niya si Don. Hindi itong ako ang inaabala niya. Pinetserahan niya ako sinabing.
“ When I say you’re done, you’re done.”
Ginulo ni Roxie ang buhok niya. “ Tama na yan. Nambola ka na naman. Eh parte yan ng kuwentong TNT si Dan.” Baka naman sabihin mo pa na hinahanapan ka ng VISA sa gas station.”
Tumaginting na mga halakhak. Tahimik lang ang mga Filipinong empleyadong lumaki na sa Estet. Boss nila yong Itim na in charge sa Marketing at mga contracts. Madalang lang lumagi ito sa opisina dahil palaging nasa mga kliyente. Ibig man ng boss namin na lahat ng empleyado ay Filipino ay malayong mangyari pero mas gusto niya na ang tagasagot ng phone ay mga may local accent. Minsan kasi pinasagot ang isang Pilipinang bagong salta noon.
Sabi niya.” Hello, who? Por awhile.”
Pinaysaamerika
hello. hus dis? you wantutoktu da cat? weyt ha, hold your breath.
ReplyDeleteheeheehee! that is SO funny! :D
ReplyDelete