Saturday, July 31, 2004

Sa Erpleyn 4-para sa tabi 4

Cont'n.

Binigay sa akin yong chicken. May salad na maasim, may bread, crackers, jam,butter,sliced fruit, water or soda,coffee or tea. May salt, sugar, blackpepper sa sachet. Yong crackers, jam, at bread, binalot ko at nilagay ko sa bag ko. Force of habit, you know.Noong mga istudyent pa kasi kami, kumukuha kami ng mga toyo, catsup at mga sugar sa fastfood o restaurant na kainan namin. Sayang din kung kukunin sa allowance. Survival. Nagkukumpisal naman ang mga kaklase ko. Sabi rin naman ni Mader,huwag sayangin ang mga pagkaing sobra .”Binabayaran yan, kaya iuwi”. Kaya insan pag nadalaw ka noon sa bahay at humingi ka ng catsup, tiyak ibibigay saiyo sachet na catsup na galing sa restaurant.

Ano kamo? Crackers at bread naman yong binalot ko ? Kasi insan may masama akong
karanasan sa Changgi Airport, sa Singapore. Oo doon sa lugar ni Tambay. Stop over namin. Delayed yong connecting flight dahil may storm. Ang perang natitira sa amin pagkatapos naming tumulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng Singapore sa pamamagitan ng pagbili ng mga electronic products at mga pampasalubong sa mga kamag-anak ay sapat lamang sa isang bottled water. Linsiyak kasing makapagpaguilty yong tourist guide namin na bumili kami ng productong Singapore. Panay pa ang
parada noong tourist bus sa mga may nakasabit na SALE. Eh yong kasama kong lady lawyer (hindi si sassy ) din ay mahilig magpasalubong sa mga kasamahan niya sa law office niya. Kulang na lang na pati pusa at aso niya ay may pasalubong. Napakabait na nilalang.

Bumili kami ng bottled water at pinagsaluhan namin yong tinapay, butter at jam na ibinalot niya. Dati hindi ako nagbabalot. Naging leksiyon sa akin yon. Nakaraos din ang dinner namin. Nang dumating ang erpleyn, hindi pa man nakakatanong kung chicken o piss (fish), piss na kaagad kami. Hindi naman kaming mukhang gutom,pero duhapang ang kain namin.

Bago 9/11 insan ang mga spoons at sporks ay mga stainless. May tatak pa ng pangalan ng airline. Pagkatapos ng isang gamit, ito ay pinagbibili sa recycling companies. Pag nakakain ka sa isang bahay na may ganitong kubyertos, ibig sabihin, may nakapagsmuggle palabas ng mga disposable items na ito. May barkada ako na ang producto nila ay ang mga kubyertos at mga sipilyo, suklay, medyas na give away ng airline.Kaya noong nabalitang isasara ang isang airline, ang asawa niya ay lumakad ng paluhod sa Quiapo.

Pagkatapos nang meal,puntahan naman sa CR. Haba ng pila. Kung bus lang siguro yon, marami nang lalaking nakabalik sa upuan lalo kung madawag ang dinadaanan ng bus. Karaniwan noon, pag angdriver gusto ring magbawas, hihinto at sasabihin sa mga pasahero, o yong gustong magbawas. Noong bata ako may nakita akong matandang
babae,nakipagsabayan sa mga lalaking nakatayo. Itinakip lang niya yong malapad na saya. hehehe.

Ang piloto kaya saan nagbabawas ?

Itutuloy.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment