Saturday, July 18, 2009

Bumabagyo sa Utak


Dear insansapinas,

Brainstorming ang ibig sabihin niyang bumabagyo sa utak. Yong mga parte ng utak ko nag-dedebate kung ano ang gagawin. Meron kasi akong tinatapos na project na gustong matapos ng bahagi ng aking utak.

Yong isa naman ay gustong magbasa ng pocketbook,ang isa ay gustong manood ng DVD at ang isang bahagi ay manood ng TV.

!@#$^& O sige away sila. hindi tuloy ako makatulog, ang ingay eh.

Pinaysaamerika

Friday, July 17, 2009

Tanong, tanong, tanong

Dear insansapinas,
Tumawag ako sa isang ahensiya ng gobyerno para magtanong para sa aking kapatid na gusto ng magretire. Ang sasagot ay machine. Mahirap hanapin yong sasagot ay tao.

Nakuha ko rin pero pinaghintay ulit ako ng ilang minuto at habang naghihintay ako ay maaring tinatanong sa akin ang automated response system nila.

ARS: give me your number. one digit at a time.
Ako: walang sagot
ARS: Give me your name. Even your first name.
ako: walang sagot
ARS: Give me the name of your mother.
Ako: walang sagot.

Nang mapagod, ibinigay na ako sa live CSR. Beh.

pinaysaamerika

Wednesday, July 15, 2009

Ang Babae sa Toilet

Dear insansapinas,
alam naman ng karamihan ng aking kaibigan na para akong si Joel Osment sa Sixth Sense. Nakakita ako ng multo. ngiiiiii!!!!

Noong bata pa ako do ko alam na mayroon akong ganoong 'regalo'. Kaya takot na takot ako sa multo.

Noong ako ay nasa kolehiyo, nag-aaral ako sa gabi. Ang pinakalate ay yong hanggang alas nuwebe ng gabi.

Sa building na iyon, ilan na lang kaming may klase kaya patay na ang mga ilaw sa karamihang ng classroom. Kami ay nasa gitna ng wing na yon. Nag-may I go out ako at nag-iisang pumunta sa toilet. Tatlo ang cubicle sa ladies room. Ang ikatlo ay okupado. Nakasara at parang may nakita akong paa pag-silip ko sa pinto na sarado. alam naman ninyo ang pinto sa cubicle ng toilet, hindi buo; bukas ang ibaba.

Ginamit ko ang ikalawa.Pag-labas ko ay nandoon iyong isang professor na babae at naghihintay. Ayaw niya doon sa una. Hindi malinis. So hintay siya doon sa ikalawa na ginagamit ko at sa ikatlona hindi pa rin lumalabas ang gumagamit. Kahaba naman. hehehe

Nag good-evening ako sa professor ko nang may narinig kaming umiiyak. Nanggagaling doonsa ikatlong cubicle. Nagkatinginan kami. Pareho naming narinig.

Sumilip ako sa ilalim. Wala naman akong makitang paa. Baka nakataas? Kinatok ng professor ko ang pinto. Walang sumasagot.

Pareho na kaming takot. may umiyak ulit. Haaa, takbo na kami pareho.

pinaysaamerika

Tuesday, July 14, 2009

Aray, aray

Dear insansapinas,

Photobucket

Sumasayaw ba kayo kapag natisod kayo at nabali ang inyong kuko sa inyong paa, o kaya ay nasugatan kayo habang naghihiwa ng karne o kahit sibuyas sa kusina? Kadalasan nagmumura pa tayo di ba. At huwag mong isnabin, English pa ang mura natin. Either F or Sh..t.

Ito ang paliwanang diyan.

Pinaysaamerika

Monday, July 13, 2009

Anong gagawin ninyo pag nakakita kayo ng multo?

Dear insansapinas,
Photobucket

Ano ang gagawin ninyo kung makakakita kayo ng multo?

Ito ang mga posibleng sagot.

1. kakaripas ka ng takbo
2. pipikitang mata
3. iiyak
4. sisigaw
5. walang gagawin


Ang hindi alam ng karamihan, pag nakita mo ang multo, hindi mo alam na multo iyon...pagkatapos lang pag napag-isipan na multo pala iyon saka ka matatakot.

Iba naman yong mga ingay na naririnig.Iyon naman, hindi alam ng multo na naririnig sila.

AAhhhhhhhhhhhhhhhh

pinaysaamerika

Sunday, July 12, 2009

Hindi makatulog

Dear insansapinas,

Anong ginagawa mo pag hindi ka nakakatulog sa gabi?

Ako umiinom ng gatas noon. pero ngayon sabi siguro ng aking mata, alam ko na iyang strategy mo. kaya bukas pa rin ang mata ko magdamag.

Noong nag-aaral ako pag hinwakan ko ang libro,parang dumadaloy ang antok mula sa libro hanggang sa aking mata. wala pang isang minuto, tulog ako.

Ngayon nagbibilang ako ng tupa. (sheep).



Anak ng tupa naman, napagod ang tupa, gising pa rin ako.

pinaysaamerika

Saturday, July 11, 2009

Namimiss ko kaibigan ko


Dear insansapinas,
Bakit ba masyadong mapagbiro ang tadhana. Kung kailan mo nakilala ang mamahalin mo, huli na.

Pagkatapos, wala ka pang lakas ng loob na mang-agaw at manira ng pamilya.
Kaya pasensiya ka na lang makinig ng kanta.

One day in your life
You'll remember a place
Someone touching your face
You'll come back and you'll look around, you'll . . .



One day in your life
You'll remember the love you found here
You'll remember me somehow
Though you don't need me now
I will stay in your heart
And when things fall apart
You'll remember one day . . .

One day in your life
When you find that you're always waiting
For a love we used to share
Just call my name, and i'll be there

You'll remember me somehow
Though you don't need me now
I will stay in your heart
And when things fall apart
You'll remember one day . . .

One day in your life
When you find that you're always lonely
For a love we used to share
Just call my name, and i'll be there.

Ang korni ko.

pinaysamerika

Friday, July 10, 2009

Si Vicki Belo at ang Pwetan

Dear insansapinas,

May bagong balita na nakademanda na naman si Vicki Belo dahil nagkaroon ng side effects yong pagpapaayos ng isang businesswoman sa kaniyang pwetan. Paano ba sa Tagalog ang buttocks?



MANILA, Philippines -- A 40-year-old businesswoman confined at St. Luke's Medical Center (SLMC) in Quezon City has filed a malpractice suit against the Belo Medical Group (BMG) over two butt augmentation procedures that she claimed nearly killed her and could leave her deformed for life.

“I trusted her [when she said] the procedure was safe and would give me a permanent round butt but instead, I narrowly escaped death,” Josefina Norcio said, referring to Dr. Vicki Belo, BMG medical director.

The malpractice suit against Belo was filed with the National Bureau of Investigation, Norcio said, adding that she was waiting for the results of the bureau’s investigation.

Contacted for comment, Leah Salterio, BMG media officer, said in a statement, “We have yet to receive a formal complaint from the patient. In the meantime, however, we have begun to study the details of the treatment that was done on the patient four years ago.”


Naalala ko tuloy ang aking mga lalaking kapatid at barkada noong mga teenager pa sila. Panay ang sulyap nila sa kapitbahay naming teen-ager na babae. Ang ganda raw kasi ng pwet. Mga salbahe.

Bakit kasi ang iba maganda talaga ang pwet. Ako tawag sa akin plantsahan sa likod. Wala raw kasing curve.hehehe

Thursday, July 09, 2009

Smile


Dear insansapinas,
mahilig akong sumagot ng hehehe sa end ng aking comment sa isa kong blog.

Habang sinusulat ko yong hehehe, nakangiti rin ako. Para akong baliw anoh?

pinaysaamerika

Tuesday, July 07, 2009

Umiyak na naman ako Anobayan


Dear insansapinas,
Pinaiyak na naman ako sa pinanood kong memorial ni Michael Jackson. Yong paborito pa namang kanta ko ang kinanta ni Mariah Carey ang I'll be there. hikbi talaga.

Akala ko tapos na yon pala yong bandang huli, ibinigay para sa pamilya niya. Naiyak ang anak niyang si Paris at first time na narinig na tinawag si Michael ng daddy.

pinaysaamerika

Monday, July 06, 2009

Buti na lang walang nakakita

Dear insansapinas,
Kahapon, may pinapanood akong malungkot na palabas. Naiyak ako, insan. bumaha ng luha ang sala namin. Buti na lang walang nakakita sa akin at may nakaalam kung hindi ikaw dahil sinabi ko saiyo.

O sandali, insan, magsasagwan lang ako papunta sa kusina.

Sunday, July 05, 2009

Usapan ng mga Bingi

Dear insansapinas,
Ang daming tsismis ngayon. Dahil sa internet, hindi na kailangang magkita-kita ang magkakaibigan para magkatsismisan.

Noon kasi pag nagkita ang magkakaibigan,`saka sila nagtsisimisan. Sa opisina, pag nagkita-kita sila sa elevator, sa canteen, sa ladies room, sa canteen at sa water cooler.

Bakit usapan ng mga bingi? Hindi sa iniinsulto ko ang mga tunay na bingi, pero ang mga tsismosa at tsismoso kasi masahol pa sa bingi. Ito pakinggan eheste basahin ninyo.

Tsismosa 1 to Tsismosa 2: Hoy narinig na ba ninyo na nadala sa ospital si (sabihin ang pangalan). Balita ko malubha raw.

Tsismosa 2 to Tsismosa 3 : Alam mo bang malubha si (sabihin ang pangalan)at nasa ospital. baka mamatay anoh?

Tsismosa 3 to Tsismosa 4: Oy, malubha raw si (sabihin ang pangalan) at mamatay na.

Tsismosa 4 to Tsismosa 5: Oy mamatay na raw si (sabihin ang pangalan).

Tsismosa 5 to Tsismosa 6: Oy baka patay na raw si (sabihin ang pangalan).

Tsismosa 6 to Tsismosa 5: Saan galing ang balita? Tapos kinausap yong nasa kabilang linya. multo ba ang kausap ko?

Tao sa kabilang linya: Bakit?

Tsismosa 6: patay ka na raw.

Tao sa kabilang linya: sabihin mo sa kanila dadalawin sila ng multo. Bwahahah.

Saturday, July 04, 2009

I have two errm thousand hands

Dear insansapinas,
Panoorin mo ang ganda. Daming mga daliri, kamay at paa.



Pinaysaamerika

Maraming namamatay na mga celebrities

Dear insansapinas,
Maraming namamatay na mga celebrities sa US, kagaya nina Farrah Fawcett, Michael Jackson at Karl Malden.



Sa Pilipinas din, maraming pinapatay na celebrities kahit buhay. "Pinatay" na nila si Rustom Padilla at binuhay na si BB Gandanghari.

Ngayon naman "pinatay" na nila si Hayden Kho, at bago na raw ang Hayden Kho ngayon.

Pakisampal nga ako.

Pinaysaamerika

Friday, July 03, 2009

Beat It

dear insansapinas,

wala akong pinalalayas, insan. sumasabay lang ako sa music ni Michael jackson na Beat It.
Photobucket

kabibili ko lang ng number ones (CD) niya)

excuse me, susunod na ang thriller. kailangan magmoonwalk din ako. bwahahaha

sensya na kayo may kinaiinisan akong tao ngayon.dinadaan ko na lang sa pagsayaw.

sige. sayaw.


Pinaysaamerika

Masamang Ugali noong bata pa

baby
Dear insansapinas,
may masama akong ugali noong bata pa. kuwento lang ng nanay ko kasi syempre di ko alam yon. para raw ako makatulog, kailangan ipakagat nila sa akin ang aking daliri sa paa. ano bang tawag doon sa pinakamalaking daliri?

kanan daw ang aking preference. kaya ba mas malaki yong kaliwa? nabawasan ba ito ng aking kinakagat-kagat?

yon namang aking kaibigan, parang si linus, kumot naman ang dala. kinakagat-kagat niya ang isang dulo ng kumot. nang lumipas ang taon, kalahati na lang ang kumot. siguro mas masarap kung binubudburan niya ng asukal o ng asin.

kayo ano ang masama ninyong ugali?

Ang Pangalan ko Inis

Dear insansapinas,
Tama ang basa mo Inis at hindi Inez.

Inis kasi ako sa mga balita.

Inis ako kay Debbie Rowe. Sino si Debbie Rowe?

Siya yong mga nanay ng dalawang anak ni Michael Jackson na noong mga nakaraang araw ay nagngangawa na hindi raw nila anak ni Michael Jackson ang mga bata. Sinabi pa niya na parang sa kabayo lang ang ginawa at wala raw siyang interes na kunin ang mga bata.

Ngayon iba na ang ihip ng hangin. Nag-iisip siya na awayin ang ina ni Michael Jackson tungkol sa custody ng tatlo (dalawa lang ang kaniyang anak) dahil nabalitaan siguro niya na 40 per cent ng kayamanan ni Jackson ay mapupunta sa mga bata. Pero nag-iisip pa rin siya. Baka nga naman walang natira sa mamanahin dahil sa mga utang. Mukha ba siyang pera? Ano sa palagay ninyo?

Ikalawa kong kinaiinisan ay ang mga latest interview kay Hayden Kho. Talagang hindi titigil ang pr machine niya para siya kaawaan ng mga tao at makuha ang kanilang simpatiya.

TSEh nila.

Pinaysaamerika

Thursday, July 02, 2009

Ang Aso

Dear insansapinas,


Dear insansapinas,
umiiyak ba kayo pag namatay ang aso ninyo?
Nanood ako ng marley and me, isang pelikula tungkol sa aso na walang ginawa kung hindi sirain ang mga kasangkapan ng mag-asawang si Owen Wilson at si jennifer aniston. siya nga raw ang pinakasamang aso sa mundo. pero muntik na silang magkahiwalay nang gustong paalisin ni jennifer ang aso dahil nagkasabay-sabay yong post partum syndrome niya (isa itong pangyayari sa babae matapos manganak. either malungkutin siya o masungit.

nang mamamatay na ang aso ay lumayo ito. 13 years old na siya. sa aso ito ay matanda nadahil times 7 ito kaya kung baga siya ay mahigit isandaan taon na). may sakit pala ito sa tiyan. pinagamot nila pero mga ilang buwan lang ay talagang mahina na siya. hindi na siya makatakbo. mas gusto lang nitong nakahiga sa may fireplace.

pinatulog na siya (ibig sabihin pinatay ng vet). binigyan siya ng libing at eulogy hindi lang pamilya kung hindi pati ang nagbabasa tungkol sa kaniyang buhay.

may aso rin kami noon na napalapit sa akin. siya ang huling aso na iniyakan ko dahil sa mga susunod na aso, hindi na ako lumapit ng husto. hindi ako nakakain ng ilang araw habang iniisip ko na kinain na siya ng manginginom na nadognap sa kaniya.

noon sinuma ko na magkaroon sana sila ng buntot. toink toink (epekto yan ng aking magic spell, bwahahaha).

May aso noon ang aking kaibigang matanda. isang poodle. dahil wala nang kakayahan mag-alaga mag-asawa, pinaalagaan ito sa kanilag dating driver.dinadala naman ito tuwing miyerkules sa matanda para dumalaw.

hanggang namatay ang matanda. mga ilang araw, sumunod din ang poodle. mahigit daan taon na rin siya dahil 13 years na rin siya.

kayo napapamahal din ba sainyo ang inyong alaga, aso man o pusa?

ano, rabbit? wehehehe.

Pinaysaamerika

Wednesday, July 01, 2009

Cable, Phone at Internet

Dear insansapinas,

Ang tagal kong naghintay sa cable technician. Naglagay na ako ng punasan na tuwalya sa carpet. Hindi nagtatanggal ang mga sapatos ang mga yan at ang aming carpet ay beige.

Sa kahihintay ko nakatulog ako ng hawak ko librong binabasa ko. Detective story.
Ring ang phone. Kaibigan ko. Biglang may nagclick. Nawala linya. Pati ang aking TV ay nagfreeze. wala namang yelo. toink toink toink .Pati ang aking internet ay nawala. Arghhh. Dumating na sila, pero wala akong nakikitang mga techie.

Hapon na wala pa rin. walang internet. piangpapawisan na ako ng maalapot kahit naka On ang AC. Huwag ninyo akong pakainin ng isang meal, huwag lang ninyo akong aalisan ng internet. Wahhh.

may narining akong gumagalaw sa terrace. Kala ko ibon. Kalaki namang ibon yon. Aba isang technician. Tanong ko kung saan dumaaan kasi hindi naman siya kumatok.

Lumipad ba siya? Meron daw silang hagdan. Ow.

Alas Tres, meron ng cable. yehey. meron ng telepono. yehey. meron ng internet. YEHEY.

Pinaysaamerika

Tita Cory nasa serious condition na raw



Sinimulan na ang nine day novena at healing mass para sa dating pangulo, Corazon Aquino ayon kay Ms. Siytangco ang kaibigan ng pamilya at aspokesperson ni Cory.

Wala na raw ganang kumain kaya naligalig ang pamilya at ikinabit sa intravenous feeding.

Si Cory ay biyuda ni Senador Benigno Aquino, Jr.

Pinaysaamerika