Dear insansapinas,
may bago akong relos. wag mo akong sasagutin ng eh anoh. hmph. alam mo naman ang aking weakness, relos. marami akong relos noon. ngayon ay tatlo na lang.masama pa angloob ko niyan. kaso sabay-sabay na nawalan ng baterya. susme, akala ko tuloy noong isang araw huli yong sundo ko kaya iniwanan ko.
Eniwey, bumili ako ng relos na yong puwedeng itapon o kung huldapin ka na hindi ka mawawala sa sarili mo at kulamin yong mga nakakuha. Water resistant siya. Simple lang. hindi yong ang daming seremonyas para lang maadjust ang oras. haynaku wag mo akong pagbasahin ng manual at ang aking utak ay nagpifreeze.
Isa pa hindi siya stainless. may allergy kasi ako sa hindi ginto o kaya ay tinubog sa ginto. ganiyan kaselan ang aking kutis na malasibuyas...sibuyas higante nga lang. Kahit peke, basta wala lang alloy na iba. Para siyang coated. Isa water resistant siya. Yehey, Kahit makalimutan kong alisin pag ako naghugas ng kamay, hindi siya malulunod.alam mo naman ako si kalimot.
Anong oras na ba?
Pinaysaamerika
The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Tuesday, June 30, 2009
Saturday, June 27, 2009
Bithday kahit Recession
Dear insansapinas,
Nagbirthday ang anak ng kaibigan ko. Pitong taon. Siyang bata noon na para makatulog, kailangang isakay mo ng kotse. Pagsayad ng likod niya doon sa child seat, tulog kaagad.
Pag inalis mo naman, gising na para bang nakakabit sa kaniya yong child seat na nasa kotse.
Buti na lang nawala angmasamang ugali niyang yon. Ngayon pitong taon na siya. Nagpatay ng baboy ang aking kaibigan. Nilitson ang ulo. Matigas naman kaya ayun, di yata naluto.
Pero marami silang nalutong mga ulam galing sa baboy, dinuguan, estopado, adobo, at iba pa. Hindi pambatang pagkain kaya binilhan nila ng pizza yong mga bata. haynaku. ang lumantak ng pagkain ay yong mga matatanda. Nasabi pang children's party. Bwahaha.