Friday, September 29, 2006

Pinay Goes to Washington Part 3-Ang Parada, Bow

Ito ang karugtong ng punit-punit na paglalahad ng tungkol sa parada. Ito ang mga banda. Banda rito, banda roon. Kaya lang nakasuot sila ng palda. Mga migrante kasi ang mga ninuno nila, galing sa Europa. Tingnan mo itong mamang ito, kataas-taas nakaharang diyan sa gitna. Teka, hindi ko kamay yong nagreretrato rin. Mahaba ang mga kuko anoh.

Ito naman ang malaking flag, na sa kalakihan, mahigit isang dosena ang may dala.
Itong mamang ito nandiyan pa rin sa harap. Hoy mama, upo.



Ito ang mga nagbibisekleta na nakalimutan ang isang gulong. Tingnan ninyo itong mamang nakablue, nandiyan pa rin. Tusukin ko kaya.



Ito ang mga tatay noong bisikletang nakalimutan ang isang gulong. Nakita ninyo, medyo tumabi yong mama. May nauna yatang tumusok. hehehe



Ito ang mga pulis na nakakabayo. Tatataas ng kabayo. Meron isang babae na pulis.
Astig siya. Kita ninyo nawala na yong mamang nakablue. Napagod na rin yatang katatayo. Tingnan ninyo ang building na nasa piktyur. Parang lumang Congress natin hane.




Makauwi na nga. Wala naman masyadong makita. Gusto ko pa ang Independence Parade sa atin. Daming artista.

Pinaysaamerika

,

Thursday, September 28, 2006

Pinay Goes to Washington Part 2-Ang PARADA, bow

Malapit nang magsimula ang parada. Nakiusyoso ako sa may nakapila. Akala ko pila ng mga libreng pagkain at t-shirt dahil may mga ipinamimigay. Pagdating ko sa dulo, mga volunteers pa lang mga sasali sa parada. Anong gagawin kanyo? Eh di tagabitbit, tagahila at tagadala ng mga dapat dalhin. Kagaya nitong malalaking balloon nina Garfield. Kailangan isang dosenang tao ang hahawak ng mga tali dahil kung hindi marami, baka ilipad.



Eto na. Malapit nang simulan ang pareyd. Hinahawi na ng pulis ang mga taong nakasalampak sa labas ng sidewalk. Habe, kayo diyan. Habi naman ang mga tao pero pagtalikod niya, balik din. Bwahahaha



Ang una ay itong parade of colors.

Tatlong kulay yan, pula, puti at bughaw. Pero ang napiktyuran ko ay ito lang pula. Kasi naman itong mamang ito, ang tangkad, nakahalang sa aking camera. May asawa naman. Oopps. Kaya lang bakit nasa kanan ang kaniyang wedding ring. Dito kasi sa Estet, nasa kaliwa yan. Eh bakit ba yong mamang may wedding ring ang pinakikialaman ko. Oo nga naman bakit nga ba? Pakisampal nga ako.

Ang tagabitbit ng mga colors ay mga volunteer. Buti na lang di ako tumuloy, kung hindi nasa parada nga ako, bigat naman ng dala ko.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

,

Wednesday, September 27, 2006

Pinay Goes to Washington Part 1-Ang Parada Bow

Haynaku, talagang di maawat ang beauty ko para makapunta sa Washington DC at makita ang parada para i-celebrate ang July 4th. Independence Day baga ng mga Puti at Friendship Day sa atin sa Pinas.

Maaga pa lang ay lumakad na kami ng kapatid ko para bang kagaya sa probins na gustong manood ng parada sa siyudad. May baon kaming sangwich at iced-cold water. Ang init kasi dito. Nabigla ako dahil sanay ako sa San Francisco na kahit summer ay nakajacket ako pag lumabas. Kaya ang mga tao ay nakat-shirt na walang manggas pa. May dala-dalang pamaypay, hindi naman nakapaypay ng lamig na hangin. Kaya hayan, dinidispley na lang.

Pero kahit mainit sige pa rin ang taong hintay sa parada. May payong, walang payong, may payung-payungan, nakatayo, nakaupo, nakabisaklat sa sidewalk o kaya ay nakatingkayad. Ang iniittttttttttt. Para malaman ninyo kung gaano kainit dito sa Washington Dizzy DC, ay alalahanin ninyo lang ang init pag Kuwaresma sa Pinas. Yong nanonood kayo ng mga nagpepenintensiya. Dito ikaw ang magpepenitensiya sa init.

Kaya habang ang karamihan ay naghihintay, pinasya kong maglakad. Alam naman ninyo ang Pinoy, USI.Ususera, ano fa. Kaya nakita ko itong helicopter ng Navy. Akala ko isasama
sa parada, yon pala displey lang. Mga gustong magparetrato, makita ang mga helicopter na nakikita lang natin sa pelikulang action,giyera at espionage. Parang naririnig ko ang tugtog ng pelikula ni James Bond. Tinginingininging.



May mga karosa ring inaayos pa. Kagaya nitong karosa ng mga maysakit. Eheek. SIKH pala. Alam naman ninyo yong mga Bombay na may kumot sa ulo, di ba? Karamihan kasi ng may-ari ng mga tindahan dito ay mga Bombay. Parang sa atin, mga insik.



Ito naman ang karosa ng mga Asyano. Mga Vietnamese, Insik, Filipinos at iba pa. Inaayos pa lang dito sa retrato.


O eto, tapos na. Kaya piktyuran galore na sila. Gusto ko sanang magpaphotoop din pero hindi ko makita ang aking kapatid.



Ito naman ang karosa ng mga ...mga...Ah ewan ko ba. Basta maganda siya dahil para siyang malaking bulaklak. Takot ko lang, baka may malaking bubuyog na dumapo, lagot sila. Ahahay.


Ito ang karosa ng aking mga kafatid. Rainbow siya o di va. Gay na gay talaga. Pero sa parada, parang di ko siya nakita.



Haynaku, huwag ninyo akong tanungin kung ano ito at di ko rin alam. Ganoon yata kagulo ang namamahala dito ng parada. Kahit saan na lang may nakita kang karosa, wala namang pangalan kung sino sila. Hindi naman siya yong hiniram na ilaw ni Miss Liberty mula sa New York.



Ito karosa ulit ng mga Bombay. Ganda niya di ba.


Itutuloy.

Sa susunod ang Parada, Bow.

Pinaysaamerika

,

Tuesday, September 26, 2006

Para sa mga Ladies lang-How to fix bloody bleeding lipstick

To the gentlemen, don't do this at home.

Ano kaniyo ang bleeding lipstick? Yon ba yong ang lipstick ninyo ay parang pinahid na peanut butter. May makapal sa isang bahagi at may manipis sa isa pang parte ng labi.

Ang ginagawa noon ay pinapadiin ang mga labi sa isang tissue paper para mabawasan ang kapal. Pero may iba pang paraan para maayos ang "dumudugong lipstick".

1. Pahiran ng make-up foundation ang labi. Syempre, kakulay ito ng inyong balat sa pisngi kaya huwag magugulat kung akala mo ay nababad ang labi ninyo sa suka.

2. Pulbusan din ng make up na transluscent para maalis ang kintab.

3. Gumamit ng lip liner at "drawingin" ang labi. Kung makapal ang labi, huwag tatapyasan. I drowing lang sa loob ng linya ng labi para magmukhang manipis.

4. Sa pamamagitan ng lip brush o kaya ng lipstick, punuin ng kulay ang loob ng "drawing".

5. Hayaang matuyo at pulbusan lang ng kaunti ang labi.

Ngumiti. Tingnan kung may lipstick sa ngipin. Burahin eheste pahirin ng tissue.

Monday, September 25, 2006

How to Get Glue off your skin

Naranasan na ba ninyong hindi maalis ang glue sainyong daliri? Hindi mahuhugasan kahit ubusin ninyo ang sangkatutak na tubig at sabon. Ako nakaranas na. Inaayos ko ang nabasag na figurine, pati daliri ko nalagyan, kumabit din ang figurine. Ahhhhhhh.

Ito ang pinakadaling pag-alis.

1. Kumuha ng acetone or nail polish remover. Pahiran ang balat na may glue, hanggang lumambot at maalis.

2. Kapag marami ang glue, kumuha ng maliit na lalagyan ng nail-polish remover na puwedeng ibabad ang daliri o kamay ng matagal-tagal.

Wala kayo kamong acetone o nail polish remover dahil hindi naman kayo nagmamanicure?

Pwede rin ang mainit na tubig. Huwag masyadong mainit na buong balat naman ang inyong matutuklap. Lagyan ng sabon, ibabad ang kamay o daliri at unti-unting tanggalin ang
glue.

Yong sa akin ay medyo matagal bago naalis. Super kasi ang glue. Nakaglue pa rin ako ngayon, pero panonood ng TV.

mwehehe

pinaysaamerika

Sunday, September 24, 2006

How to remove wrinkles from your clothing

Yes, yes Virginia, wrinkles from your clothing and not from your forehead, silly.
Yon bagang parang pag lumabas ka sa bahay ay haharanging ka ng plantsahan at papasadahan ka ng plantsa dahil sa para kang nabugbog ng maton sa kanto at ginusot hindi lang ang iyong mukha kung hindi pati ang iyong damit.

Dito Virginia sa Us of Ey ay madalas pinapatungan lang namin ang damit ng mga sweater or kaya cardigan kaya walang plantsahan. Pero minsan ay di ko akalaing uminit ng husto
at kailangan kong hubarin ang suot kong blazer.Pero Santa Clarang pinong pino, gusot ang aking blouse at hindi ko na rin puwedeng hubarin dahil maghuhubad din ako ng pantalon at medyas nyan para sila ay magkacoordinate ikanga sa kulay.

Ito ang aking natutuhan.

1. Ihanger ang blouse sa loob ng banyo. (syempre hubarin muna ano). tsee.
Buksan ang hotwater at hayaang umagos. Sarhan ang pinto para yong steam ay pumuno sa loob ng bathroom. Presto, para siyang dry clean effect.

ANO KANIYO, wala kayong hotwater at bathtub? Walang problema.

2. Basain ang kamay ng tubig, haplusin ang damit na kusot. Hintaying maturo.

3. O kaya naman, kumuha ng sprayer, lagyan ng tubig, ispray sa kusot na damit habang hinihimas.

4. Itapat sa bentilador. Kung may portable heater, mas mabuti.

Yon nga kababayan ang ginamit ko yong hinimas ko ng basa ang aking damit. Voila. nawala ang wrinkles.

Pagdating ko sa opisina, may wrinkle ang noo ng boss kong babae dahil medyo nalate ako. Parang gusto kong spray din ng tubig at himasin para maalis ang wrinkle.


Ahehehe

Tuesday, September 19, 2006

Ang mga How To ni Pinay (Sweater na Umurong)

Mula po nang mapadpad ako rito sa US of Ey, natuto na akong magkarpintero, tubero, kantero (yong kumakanta, mwehehehe)mananahi, labandero at cook. Oo Birhinya, ganiyan kahirap ang manirahan dito kung saan ang mga mabibili mo ay mga knock-down na iaassemble na lang o kaya mga lulutuing, ilalagay mo na lang sa oven at presto, mayroon ka ng pizza.

Ang mga susunod na kabanata ko ay halos tungkol sa mga HOW TOs...kagaya ng pagpatay ng asawang taksil... ehek. pagpatay ng mga pesteng ipis, paghuli ng mga bubuwit at pagkulong ng pesteng pusang gagala-gala. Ehek ang mga dumadalaw pala kay MLQ3 ang gustong pilipitin ang leeg ni The Ca t.

Syempre sisilipin ko pa rin at uuriratin ang mga buhay-buhay dito ng mga kababayan ano.

1. How to Fix a Sweater na Umurong

Ganito po yon. Noong unang winter ko dito sa US of Ey, bumili ako ng sweater.
Unang suot ko pa lang ay natapunan na ng cranberry joyce eheste juice. Mamah yon ay pula ang kulay kaya kailangang labhan ko kaagad ang aking sweater kasi baka akalain ng makakakita sa akin ay ako'y dracula na sumipsip ng dugo at natapon sa aking dibdib
Siste nito, nang sinuot ko ulit, tipo bang humaba ang aking kamay ay umiksi ang manggas ng sweater. At imbes na siya ay lampas bewang haba, abah, naging para akong ibos sa suman (tama ba yon?). Ganda pa naman ng sweater na yon. Ganda ng presyo. huhuhu.

Ito ang payo sa akin na sinunod ko naman.

1. Sa isang maliit na batyang tubig, (yong kasyang ilubog ang sweater) baka naman kunin ninyong batya, ay Batya ni Neneng na ginagamit sa paglalaba ng buong pamilya,
maglagay ng dalawang kutsara ng baby shampoo. (Paano raw kung wala kayong baby kaya wala kayong baby shampoo. Aba problema ninyo yon. Baka naman gusto ninyong turuan ko pa kayong gumawa ng baby. OOOPS sumusobra na kayo, hoy.


2. Ibabad ang sweater ng labinlimang minuto.

3. Huwag babanlawan at pipilipitin. Ilagay sa isang tuwalya, pagulungin ang tuwalya na nasa loob ang sweater para maalis ang tubig.

4. Padipahin ang sweater sa isang corkboard at lagyan ng mga aspili para hindi magalaw. (kung may kinaiinisan kayong tao, imaginin ninyong siya yon. ehek, kasama ng utak ko. erase,erase).

5. Balik-balikan ninyo hanggang matuyo at ulit-ulitin ang paghila.

Epektibo ba kanyo? Ah oo. Yong sa akin, nainat siya. Ang problema lang, maiksi ang isang manggas kasi di pareho ang batak ko. Kaya noong tinanong ako ng aking kaopisina kung anong nangyari sa aking isang manggas. Ang sagot ko with American eksent.

Oh well, I think my other arm shrunk because of too much exposure in the copier machine.

Ang ekspresyon niya sa mukha ay tila ba shock o iniisip kung ako ay nababaliw. Pero mula noon, hindi na siya naglalapit doon sa malaki naming copier machine, lalo pag busy akong nagrereproduce ng mga financials para sa board meeting. mweheehehe.

Sunday, September 17, 2006

How to mend a Broken Heart -Paano Tagpian ang Punit-punit na Puso (daw) part 2

7. Get yourself a new hairdo.

Kung ang buhok mo ay mahaba, paputulan. Kung ang buhok mo naman ay maiksi, dagdagan. Opps. Pwede naman di ba, wear a hair piece.

Huwag tatawagan ang ex. Hmppp

8. Volunteer in some charitable works

Kagaya ng mga soup kitchen, mga volunteer sa radyong tagasagot ng mga tawag ng mga problemas. Malay ninyo, ex ninyo pala ang tumatawag dahil may matinding problema.


Huwag tatawagan ang EX.

9. Socialize amd go on dates

Malay ninyo may matapilok kayong mas guwapo o maganda, mas mabait at hindi matakaw.
OOps.

HUWAG TATAWAGAN ANG EX. (Galit na ako)

10. Expect that you will experience sadness, anger, guilt.

Natural lang yon. Tao ka lamang. (wala bang background music). Pero Birhinya, ganyan talaga ang buhay. Kahit na ang magagandang katulad ni Jennifer Aniston ay iniiwan para kay Angeline Jolie.

One day, you will just laugh at this experience and you will even become a friend to your ex.

Good luck.

Sandali, pupulutin ko lang ang puso ehek korteng puso kong lalagyan ng mga coins.

AHEM.

pinaysaamerika

Saturday, September 16, 2006

How to mend a Broken Heart -Paano Tagpian ang Punit-punit na Puso (daw)

Ito nabasa ko lang. Hindi punit ang puso ko. Excuse me. Durog pwede pa. hekhekhek

1. Breathe

Meron kasing mga taong sawi na mahihiga at tila ba balak hindi na huminga. Mahihiga, pipikit o kaya tititig sa kisame. (Makikita tuloy na maraming agiw pala). Pero panay naman ang buntong-hininga. Teka, kailan ba ako nagkaganito? Hmmmm. Hika lang pala.

Kahit magcall-in sick kayo at mahihiga, tumayo-tayo rin kayo at pumunta sa refrigerator para kumuha ng ice cream. Kung dati ayaw ninyong kumain dahil tataba kayo, ito ang araw upang kalimutan ang pagdidiyeta. Tsee nila.

Kantahin ang I WILL SURVIVE. Kalimutan ang mga theme song ninyong nakakapagpalala sa kaniya. Huwag itatapon ang Cd. Mahal din yan. * heh *

(Huwag tatawagan ang ex).

2. Call a friend
Tawagan ang kaibigan na makikinig sainyo. Yong hindi ibaba ang phone habang pacry cry ka at nagmumultitasking habang akala mo naman ay matiyagang nakikinig saiyo. Tsee niya.

(Huwag tatawagin ang ex).

3. Go watch a movie. Pero pwede ba, huwag drama o love story. Baka maipag-iyakan ka pa sa bida. At please lang kung talagang manonood ka ng mga sad movies, magdala ka ng kumot. Kung iiyak ka lang naman ay umiyak ka na noh para masabi mo na said na ang iyong luha, wala ka ng iluluha. * heh *

(Huwag tatawagin ang ex)

4. Go out by yourself or go for a long walk

Huwag buruhin ang sarili sa buhay at umiyak. Lokah. Magwindowshopping. Window lang. Baka naman ibuhos ang sama ng loob sa pamimili. Pero huwag gagawi kung saan puwede mong makita ang ex. Baka may makita kang nakabrisyete ay hindi lang punit ang dibdib kung hind windang pa. ahehe.

(Huwag tatawagin ang ex)

5. Express youself or your emotion. Paint, write or play music.

Ipintura mo ang mukha ng kinaiinisan mo. Lagyan mo ng sungay. ahehehe. Magsulat ng blog. o di va. Play music. Kahit ka marunong magpiyano, sige. Kahit paemore-emote lang nakunwari ay bida ka sa pelikula na nagpipiyano. O kaya punta ka sa karaoke.




6. Take a break. Go out of town for a weekend.

Bakasyon muna para malayo sa mga paggunita. Pero naman husme huwag doon sa pinagbabaksyunan ninyo madalas.

(Huwag tatawagan ang ex).

Itutuloy

Pinaysaamerika